Miyerkules, Agosto 24, 2016

Ano nga ba ang makakapukaw sa atensyon ng makabagong henerasyon upang matutunan ang mga alintuntunin na nakapaloob sa kursong Rizal? Hindi natin maikakaila na karamihan ng mag-aaral sa kasalukuyan ay mabibilang lamang ang oras na may ilalaan silang atensyon sa pagbabasa, kadalasan, ito'y kinababagutan. Kinababagutan dahil malamang sa haba ng mga kailangang basahin, hindi binibigyang importansya ang paksa o malamang sadyang wala lamang pakialam sa tatalakayin. Napakamakulay, masalimuot at kahanga-hanga ang naging buhay ni Rizal. Hindi maitatangging henyo si Jose Rizal sa larangan ng sining, iskultura at literatura. Hindi rin matatawaran ang angking lawak ng kanyang kaalaman sa iba't-ibang aspeto ng buhay at paninindigan mapasaang dako man sya, sa loob man o labas ng bansa - sya ay mamumukod tangi. Ito ang mga naiisip kong mga paraan upang maging epektibo ang pagtuturo ng Rizal. Una, lagyan ng kakaibang "twist" ang pagbabasa ng mga akda ni Rizal lalo't higit sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Pilitin pabasahin ng kahit tig-dalawa hanggang limang kabanata ang mga mag-aaral upang sa susunod na pagkikita ay magdaos ng "Trivia Game", "Quiz Bee" o group activity tulad ng "Charades" na may kinalaman sa mga nabasang kabanata. Syempre, ito'y may kalakip na gantimpala. Maaaring karagdagang puntos o materyal na bagay na pupukaw ng interes ng mga estudyante. Ikalawa, bukod sa pagbabasa, pag-uulat at mga karaniwang gawain sa silid-aralan, maaari rin gawin ang panunuod ng pelikula na may kaugnayan sa buhay ni Rizal tulad ng "Rizal sa Dapitan" sa pagganap ni Albert Martinez. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang mga kabataan ngayon ay mas nanaisin manood sa telebisyon kaysa magbasa kaya magandang oportunidad ito na gawing isang istrahiya sa pagtuturo ng Rizal. At ang ikahuling suhesyon ko ay ang pagpunta sa mga lugar na may kaugnayan sa naging buhay ni Pepe - mula sa kanyang pinagmulan hanggang sa makasaysayang lugar kung saan sya hinatulan ng kamatayan. Maganda itong paraan upang mas maramdaman ng mga mag-aaral ang presensya ng impluwensya ni Rizal at ng kanyang mga gawa. Ang ilan sa mga lugar na ito ay mga museo katulad ng Maria Clara Museum. Mga pook na kanyang pinamalagian tulad ng Ancestral House of Rizal Family sa Calamba at pinanuluyan sa Dapitan. Huwag rin kalimutang ang makasaysayng Fort Santiago na malapit lamang sa Intramuros, kung saan masisilayang ang bakas ng mga Espanyol. Mas masaya rin itong gawin lalo na kung kayo'y pangkatan.







Video : https://www.youtube.com/watch?v=QLU_jWpHTf0

Image : https://www.google.com.ph/search?q=pagtuturo+ng+rizal&biw=1600&bih=799&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwihn4ztld3OAhXBHZQKHXPsDLYQ_AUIBigB#imgrc=Wtg4PJz2fe2C_M%3A

Backround Image: https://www.google.com.ph/search?q=pagtuturo+ng+rizal&biw=1600&bih=799&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwihn4ztld3OAhXBHZQKHXPsDLYQ_AUIBigB&dpr=1#tbm=isch&q=rizal+hd+wallpaper&imgrc=7gnmsqFVp6oPRM%3A